top of page

Saktong Edad ng Pagpasok sa Grade 1, Mahalaga.

Maagang pinapasok ng mga magulang ang mga bata sa paaralan. Sa murang edad na 3 taong gulang, puwede na siyang makihalubilo sa iba pang mga bata sa loob ng Nursery. Hindi kaila ang maraming mabuting bungang naidudulot ng pagpasok ng mga bata sa preschool. Subalit, maraming mga magulang ang tila nagmamadaling ipasok ang kanilang anak sa mababang paaralan.

Bagaman maraming magandang bunga ang pagpasok nang maaga ng mga bata sa preschool, masasabi rin kaya ito tungkol sa kanilang pagpasok sa unang baitang? Sa edad na 5 taong gulang, makabubuti kaya sa kanila ang tumungtong na sa unang baitang? May kabutihan bang maidudulot kung sakaling ipagpapaliban ng magulang ang pagpapaaral sa unang baitang hanggang ang bata’y maging 6 na taong gulang?

Batay sa ginawang pag-aaral ng University of Alberta sa Canada, iminungkahi nilang maiging ipagpaliban ang pagpasok ng mga bata sa unang baitang hanggang sila’y maging higit na matanda.

Sinasabi sa pag-aaral na mataas ang nakukuhang marka sa mga pagsusulit tungkol sa kumpiyansa sa sarili ng mga batang pumasok ng mas matanda sa ika-unang baitang kaysa mga batang pumasok ng mas bata. Mahalaga ito para sa mananaliksik dahil sa malakas na kaugnayan ng kumpiyansa sa sarili sa pangkalahatang kasiyahan , kalusugan at matagumpay na buhay pagtanda.

Dagdag ni Dr. Gus Thompson, ang punong mananaliksik at propesor sa University of Alberta, kabaligtaran naman daw ang nangyayari sa batang may mababang antas ng kumpiyansa sa sarili. Madalas na may emosyonal na problema ang mga batang ito na kadalasang nauuwi sa pag-iisip na magpakamatay.

"Given all this evidence, I would encourage parents to consider deferring school entry if the child is going to be among the youngest in Grade 1," sabi niya.

Naniniwala si Thompson na ang malakas na ugnayan ng kumpiyansa sa sarili sa mga nakatatandang bata sa unang baitang ay dahil sa tinatawag na relative age effect. Sumasang-ayon ang pag-aaral na ito sa mga nakaraang pag-aaral na nagpapakita na higit na matagumpay ang mga batang higit na nakatatanda sa mga programa, paligsahan at pangkat na kanilang sinasalihan.

Sabi pa ni Thompson, "I think it's important for parents and teachers to expose their children to as much success as they can in order to improve their self-esteem, and holding a child back before entering Grade 1 is one of the ways to do this."

Nailathala ang edisyon ng Educational Research sa huling bahagi ng 2004. Nakabatay ang pag-aaral mula sa 1,100 mag-aaral sa Edmonton, Alberta, kung saan pangkaraniwang pumapasok ang mga bata sa ika-unang baitang mula edad 5 at kalahati hanggang 6 at kalahating taong gulang. Bagaman patakaran sa Alberta na pag-aralin ang mga bata sa unang baitang, nakasalalay naman sa mga magulang kung kailan nila papayagang pumasok ang mga bata sa unang baitang.

Nakararanas ng pagbaba ng kumpiyansa sa sarili ang bawat mag-aaral na higit na bata sa kaniyang mga kaklase. Sinasabi rin ni Thompson na ayon sa maraming pag-aaral na hindi nagbubunga ang pagsusumikap ng mga magulang at guro upang itaas sa mga bata ang kanilang pagtitiwala sa sarili.

"If you're always praising them, that amounts to no praise at all," ayon kayThompson. "Constantly telling them that they are wonderful, even when they are not, does not work because children can see right through that and, consequently, lose respect for the message."

Higit sa lahat, sumasang-ayon si Thompson sa pag-unlad ng kumpiyansa ng bata sa sarili. Marami pa raw ibang paraan upang matulungan maiangat ng mga bata ang kanilang pagtitiwala sa sarili.

"You can provide an environment in which the child feels secure, and you can try to teach them self-confidence and instill in them a love of learning by rewarding them when they succeed," sabi ni Thompson. "Definitely, you do not want to punish them for failing or expose them to unnecessary stress."

"Of course, a child that grows up in a strong family and has good teachers and good genetics will probably do well no matter how old they are when they enter Grade 1. This study just shows that if they enter at a younger age it may be a little bit harder for them."

Kaya naman, kung naiisip niyong ipasok ang mga bata pagkatapos ng Nursery o Kinder, pag-isipan mulli. Baka naman makatutulong sa kanila ang pagpapaliban sa pagpasok sa unang baitang hanggang sila'y nasa wastong gulang. Huwag magmadali. Laging isaisip ang kanilang kinabukasan.

Recent Posts