Tulog sa mga bata - mahalaga. Ilang oras nga ba?
Alam ng maraming tao na habang bata ang isang tao, higit na marami talaga ang pahinga na kinakailangan niya. Ayon sa mga eksperto mula sa John Hopskins All Children’s Hospital, isa sa mga nangungunang research hospital sa Estados Unidos, ang tulog ay bahagi ng buhay at ito ay hindi maaaring mabale-wala. Sa kanilang mga pag-aaral, ang mga batang may maayos at sapat na tulog ay nakitaan ng higit na mabuting atensyon, pag-uugali, pagkatuto, pag-alala, at kabuuang malusog na pag-iisip at pangangatawan. Totoo rin ang kabaligtaran nito. Ang nakatatanggap ng hindi maayos o hindi sapat na tulog ay nagkakaroon ng higit na mataas na presyon, pagkataba, at depresyon.
Kaya naman isang guro ang nagmungkahi kung anong oras dapat natutulog ang mga bata sa bawat araw. Layunin daw niyang bigyan ng guidelines ang mga magulang kung kailan dapat nila pinatutulog ang bata at ilang oras dapat na tulog ang mga bata. Halimbawa, iminungkahi niyang kung kailangang magising ng alas-siyeta (7am) ng umaga ang mga batang may 7 taong gulang, kailangan din nilang matulog ng alas-otso kinse (8:15pm) ng gabi. Naririto ang gabay:
Ang post na ito ay ibinahagi ng isang guro mula sa Wilson Elementary School ngunit hindi naman ito bago. Sa pagbuhay uli ng post na ito sa social media, samu’t saring mga opinyon ang lumabas mula sa maraming mga magulang. Maraming magulang ang sumasang-ayon sa gabay na ito dahil makatutulong daw ito upang mabantayan nila ang kasapatan ng tulog ng kanilang mga anak. Subalit, marami ring magulang ang hindi pabor dito. Bagaman maganda ang hangarin ng gabay na ito, mahirap o hindi raw makatotohanang maipatupad ito.
Anuman ang posisyon ninyo sa gabay na ito, kapansin-pansing may kaniya-kaniyang opinyon ang mga magulang sa bagay na ito. Oo nga’t iba-iba ang konteksto na pinanggagalingan ng bawat pamilya tungkol sa kung kailan dapat natutulog ang mga bata, pero hindi maikakailang mayroon pa ring kasapatan ng tulog na kailangan. Batay sa American Academy of Pediatrics, naririto ang tulog na kailangan ng bawat bata ayon sa kanilang edad.
Infants under 1 year: 12-16 hours
Children 1-2 years old: 11-14 hours
Children 3-5 years old: 10-13 hours
Children 6-12 years old: 9-12 hours
Teenagers 13-18 years old: 8-10 hours
Comments